Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer hinggil sa tama at napapanahong pagbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.
Ayon kay DOLE Bureau of Working Conditions Director, Atty. Alvin Curada, kinakailangang maibigay na ito bago pa ang December 24.
Qualified na makatanggap ng 13th month pay ang mga rank and file employee na nakapagtrabaho ng hindi bababa sa loob ng isang buwan sa isang taon.
Wala namang exemption maliit man o malaki ang kumpanya.
Maaari ring magreklamo ang mga manggagawa na hindi makatatanggap ng 13th month pay sa pamamagitan ng Hotline 15/30 ng DOLE.
Hihigpitan din ng DOLE ang labor inspection sa lahat ng kumpanya at institusyon ng paggawa.