Walang kaugnayan ang pagdating sa Pilipinas ni US President Donald Trump, sa pag-usad ng extradition proceedings laban kay Pastor Apollo Quiboloy.
Pahayag ito ni Communications Usec. Claire Castro, matapos maglabas ng extradition warrant of arrest ang Makati Regional Trial Court.
Ayon sa opisyal, nagkataon lamang ang timing, lalo’t dumaan naman sa proseso ang kahilingan ng US Federal Bureau of Investigation (FBI), kabilang ang pagsusuri sa mga dokumentong isinumite para sa extradition.
Kaugnay nito, ipinaliwanag din ni Castro na magkaiba ang extradition kay Quiboloy at ang pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Castro, state-to-state arrangement ang extradition at kailangang matugunan ang prinsipyo ng double criminality, kung saan dapat krimen din sa ilalim ng batas ng Pilipinas ang mga kasong kinakaharap nito sa Estados Unidos.
Dagdag pa ni Castro, summary proceeding ang extradition case kaya nakasentro sa mga dokumento at pleadings ang pagdinig.
Maaari naman aniyang umapela sa Court of Appeals (COA) ang extraditee kung hindi pabor sakaniya ang magiging desisyon ng korte.