Pinatawan ng tatlong buwan at isang araw na suspensyon ang isang empleyado ng Bureau of Customs o BOC matapos mapatunayang hindi ito nagsumite ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN para sa taong 2005.
Ayon sa Department of Finance o DOF, isinampa ang kasong administratibo sa pamamagitan ng Revenue Integrity Protection Service o RIPS, na siyang nagsisiyasat sa mga posibleng paglabag ng mga empleyado ng mga ahensyang nasa ilalim ng kagawaran.
Matapos suriin ang mga ebidensya at rekord, napatunayan ng Civil Service Commission o CSC na nilabag ng nasabing empleyado ang Republic Act No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Bahagi ang hakbang ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang pananagutan at integridad sa serbisyo publiko.