Aabot na sa 8,026,616 indibidwal ang nakatanggap ng tulong sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD hanggang sa ikatlong quarter ng 2026.
Sa ilalim ng AICS, nagkakaloob ang DSWD ng social welfare assistance sa mga indibidwal at pamilyang dumaranas ng krisis, kabilang ang mahihirap at middle-income families.
Ayon kay Crisis Intervention Program Director Edwin Morata, patuloy na pinaiigting ng ahensya ang paghahatid ng serbisyo para matugunan ang pangangailangan ng lahat ng humihingi ng tulong.
Paglilinaw naman nito, hindi lamang sa Paragon Center sa Quezon City maaaring makakuha ng AICS assistance dahil available ang programa sa lahat ng regional offices ng DSWD sa buong bansa.
Bukod dito, may nakatalagang social workers ang DSWD sa lahat ng 167 Malasakit Centers sa mga pampublikong ospital upang tulungan ang mga pasyente at kanilang pamilya sa pagkuha ng nararapat na ayuda, partikular sa gastusing medikal.
📸 DSWD