Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila pababayaan ang pagbabantay sa mga komunidad sa kasagsagan ng ASEAN Summit and related Summits sa susunod na linggo.
Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Spokesperson, Police Brigadier General Allen Rae Co na may nakatutok silang puwersa para naman tutukan ang mga komunidad lalo’t inaasahang daragsa ang mga tutulak sa mga lalawigan para samantalahin ang okasyon.
Tuloy-tuloy aniya ang kanilang pagpapatrulya at pagpapalakas ng presensya sa mga komunidad upang maging pananggalang sa mga taong magtatangkang samantalahin ang pagkakataon pagbabakasyon ng marami.
Samantala, hinimok naman ni Co ang publiko na maging mapanuri sa mga nababasang impormasyon sa social media upang hindi mabiktima ng disinfomation o fake news.