Sinisikap pa ng mga negotiator na ganap nang makumpleto ang diskusyon para sa pagsasapinal ng Code of Conduct (COC) sa South China Sea (SCS).
Sa press briefing sa International Media Center, sinabi ni ASEAN 2026 Spokesperson Xavier Imperial, na 70% nang tapos ang mga pag-uusap para dito.
Kung matatandaan, matagal nang isinusulong ng Pilipinas ang pagsasapinal ng Code of Conduct (COC), lalo’t sa mga teritoryong pag-aari ng Pilipinas sa karagatan, na nakaapekto na sa pamumuhay ng mga lokal na mangingisda at pagbabantay sa seguridad.
Bagamat hindi idinetalye ng opisyal kung ano ang nilalaman ng 70% na napag-usapan ng negotiators, maging ang 30% na hindi pa natatapos, ang mahalaga aniya sa kasalukuyan ay committed o tapat ang lahat ng partido sa pagpapatuloy ng diskusyon.
Sabi ng opisyal, mayroon pang mga usapin na kailangang plantsahin.
“There are issues that need to be clarified. There are certain elements in the agreement that need to be refined. So our negotiators are at that point, where they need to make some make clarifications on some the elements contained in the agreement.” -Imperial