Photo courtesy of Russian Foreign Ministry on Facebook
Nagbigay na ng pahintulot si Russian President Vladimir Putin para sa paglahok ng mga kinatawan ng Europa sa susunod na round ng usapang pangkapayaan para sa pagresolba sa digmaan sa Ukraine.
Ayon kay United States special envoy Steve Witkoff kasama si Jared Kushner, kinumpirma ni President Putin ang posibilidad matapos ang kanilang pagpupulong sa Moscow.
Malugod namang tinanggap ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy ang paglahok ng Europa at umaasang magiging bahagi ng susunod na talakayan ang tigil-putukan at pagpapababa ng tensiyon sa magkabilang panig.
Gayunman, nananatiling malaking hadlang ang hindi pagkakasundo ng Russia at Ukraine tungkol sa mga teritoryong inaangkin ng Moscow.
Nagbabala rin si Putin na muling sisiklab ang labanan kapag nagpadala ng mga sundalo ang Western Countries sa Ukraine matapos ang kasunduan.
Sa kabila nito, umaasa ang Washington na makatutulong ang mas malawak na partisipasyon ng Europa upang maisulong ang pangmatagalang kapayapaan.