Para sa mga delegadong kolektor ng stamp, mabentang-mabenta ang mga ASEAN 2026 commemorative stamps na may espesyal na disenyo bilang pagpupugay sa 49th ASEAN Summit na pinangungunahan ng Pilipinas ngayong taon, sa pagtataguyod ng matibay na ugnayan ng mga bansa sa Southeast Asia.
Batay sa datos ng Department of Tourism, umabot na sa mahigit P16,000 ang halaga ng 2026 ASEAN commemorative stamps na naibenta.
Tampok ang mga ito ngayon sa Mobile Post Office sa ASEAN International Media Center sa Pasay City, sa ilalim ng pagtutulungan ng Tourism Department at PhilPost.
Bukod dito, available din ang 24 specially designed postcards na maaaring ipadala ng mga delegado mula sa International Media Center patungo sa anumang panig ng mundo.
Ayon kay Tourism Assistant Secretary Ina Zara Loyla, sa pamamagitan nito ay maibabahagi ng mga ASEAN delegates ang magagandang lugar at masasayang karanasan nila sa Pilipinas sa simple ngunit personal na paraan.