Tuloy-tuloy pa rin ang tapyas sa presyo ng produktong petrolyo dahil panibagong rollback na naman ang aasahan sa darating na Martes, November 17, 2026.
Ang nasabing pagtaya ay mula sa pinal na resulta ng fuel price monitoring sa Mean of Platts Singapore o MOPS.
Pinakamalaki ang mababawas sa diesel at kerosene.
Ang tapyas sa diesel ay maglalaro sa ₱4 hanggang ₱5 kada litro, habang ang gasolina naman ay magkakaroon ng rollback na ₱3 hanggang ₱4 kada litro.
Pinakamalaki naman ang inaasahang pagbaba sa presyo ng kerosene na maglalaro ang rollback sa 5 hanggang ₱3 kada litro.
Paglilinaw naman ng mga oil industry sources at companies na ang mga pagbabagong ito ay posible pang gumalaw dahil hindi pa kasama sa kasalukuyang pagtataya ang ocean freight at insurance.
Iba-base pa rin ng mga kompanya ng langis ang pinal na presyo para sa rollback sa ilalabas na price bulletin ng Department of Energy (DOE).
Pumalo pababa ang presyo ng langis noong unang bahagi ng linggong ito dahil sa pag-asa ng isang kasunduan sa kapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, sa kabila ng patuloy na mga banta sa suplay.
Naka-impluwensiya rin dito ang paghawak ng democrats sa US Congress na pahiwatig ng mas magandang peace negotiations. Subalit, muling tumalon ang presyo kamakailan bunsod ng lumalalang pagkaantala sa suplay dahil sa tuminding pag-atake sa energy infrastructure sa Saudi Arabia at sa shipping routes sa Strait of Hormuz.