Hindi lang pinaganda kundi mararamdaman din sa pagpasok at paggamit ng International Media Center o IMC ang mainit na “Filipino Hospitality”.
Ganito inilarawan ni Tourism Secretary Dita Angara-Mathay ang kanilang naging tema sa pagbuo ng IMC kung saan mararamdaman din ang tinatawag na “soft diplomacy”.
Ilan nga sa mga inobasyong inilahok ng Department of Tourism ay ang pag-showcase sa iba’t ibang destinasyon at tourism gem ng Pilipinas na talagang maibi-bida sa lahat ng international media at journalists na gagamit ng IMC.
Matitikman din ng mga delegado at international media ang iba’t-ibang pagkaing Pinoy sa buong bansa.
Nakipag-partner din ang DOT sa ilang tour operators upang on-the-spot ay makapag-book na ng kanilang future travel sa Pilipinas at sa mga destinasyon nito ang mga delegadong pupunta sa IMC.