Umapela si Senate President Win Gatchalian sa pamahalaan na agad kumilos para pasiglahin ang ekonomiya ng bansa matapos bumaba sa 2.1% ang Gross Domestic Product (GDP) sa ikatlong quarter ng taon.
Tinukoy ng Senate President na malaki ang naging epekto sa local productivity at sa ekonomiya ng bansa ng mataas na presyo ng enerhiya at matinding El Niño.
Iginiit ni Gatchalian na kailangang gumawa na ang gobyerno ng mga kongkretong hakbang para mapasigla ang takbo ng ekonomiya.
Bilang tugon, bibigyang-prayoridad ng Senado, sa pamamagitan ng RISE Ad Hoc Committee, ang mga hakbang na magpapalago sa ekonomiya.
Kabilang dito ang pagpapabilis sa paggasta ng pamahalaan, partikular sa mahahalagang proyektong pang-imprastraktura, gayundin ang pagbibigay-prayoridad sa mga social protection program para sa mga sektor na higit na nangangailangan ng tulong.
Prayoridad din aniya ng Senado na pondohan ang mga line item sa panukalang budget na magkakaroon ng magandang epekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga ordinaryong Pilipinong dumaranas ng mas mataas na presyo ng mga bilihin.