Ngayong araw (November 15), opisyal nang nagbukas ang ika-49 na ASEAN Summit, kung saan ang Pilipinas ang nagsisilbing chairman.
“We differ in size, history, culture, and circumstance; but we come as equals, carrying the hopes of our peoples and a shared responsibility to transform them into a common purpose. We come from different shores, yet, we have chosen to travel forward together.” -Pangulong Marcos Jr.
Isa sa mga highlight ng opening ceremony ay ang pagpapasinaya sa bagong sagisag at watawat ng Association of Southeast Nation (ASEAN), kung saan tampok na ang pagiging opisyal na kasapi ng Timor Leste sa asosasyon.
Sa bagong disenyo, ang dating sampung tangkay ng palay na kumakatawan sa ASEAN states, ngayong ay 11 na.
Simbolo rin ito ng pagkakaisa ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya.
Kung matatandaan, ganap na naging miyembro ng ASEAN ang Timor-Leste noong Oktubre, 2025, matapos ang ilang taong paghahanda at pagtugon sa mga rekisito ng samahan.
Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mismo ang nag-turnover ng bagong ASEAN flag at sertipiko kay ASEAN Secretary-General Dr. Kao Kim Hourn sa pagbubukas ng 49th ASEAN Summit ngayong Linggo (Nobyembre 15), sa Philippine International Convention Center (PICC).
Ngayong araw, itinurn over rin ang Digital Economy Framework Agreement na nalagdaan kahapon (November 14).
Layon ng ASEAN na ma-doble ang digital economy ng rehiyon mula sa one trilion dollars patungong two trillion dollars pagsapit ng 2030.
Bukod dito, kinilala rin ng asosasyon si Hla Hla Aung, isang disaster researcher at preparedness advocate mula Myanmar. Ginawaran ito ng ASEAN Prize.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang mga mapagkakasunduan sa mga susunod na araw, huhubog sa hinaharap ng rehiyon at sa kahandaan nito sa pagtugon sa mga darating pang hamon. “Over the coming days, alongside our External Partners, the choices we make will shape how ASEAN meets the challenges of today, seizes the opportunities of tomorrow, and prepares the region for the coming generations.” – Pangulong Marcos Jr.