Photo courtesy of DSWD
Lumobo na sa halos kalahating milyon ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng El Niño sa iba’t ibang panig ng bansa.
Batay sa pinakahuling report ng DSWD-DROMIC, ngayong araw, Nobyembre 15, 2026, umabot na sa 495-libong indibidwal o katumbas ng 194-libong pamilya ang apektado sa 2,242 barangay.
Sa anim na rehiyon naitala ang mga epekto ng El Niño, kabilang ang Regions II, CALABARZON, MIMAROPA, V, XII at CARAGA.
Sa kabuuan, umabot na sa ₱290.9 million ang naipagkaloob ng DSWD na humanitarian assistance sa mga apektado. Samantala, nasa ₱5.03 billion pa ang available relief resources ng ahensiya, na kinabibilangan ng Quick Response Fund at mga food at non-food items.