Photo courtesy of DMW
Pinaigting ng Department of Migrant Workers at National Labor Relations Commission ang koordinasyon sa pagresolba ng mga labor disputes ng mga OFW.
Sa kanilang pulong, tinalakay ang mga hakbang para mapalakas ang proteksyon sa mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
Simula Enero 2027, magtatalaga ang NLRC ng specialized pool of labor arbiter’s para humawak sa mga kaso ng sea-based at land-based OFW.
Ayon sa DMW, magsasagawa rin ng pagsasanay para sa mga itatalagang arbiter sa Nobyembre at Disyembre.
Pag-uusapan din ng dalawang ahensya ang pagbabahagi ng datos para mas madaling matukoy ang mga employer at recruitment agencies na sangkot sa mga reklamo ng OFW.