Tiniyak ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre na magpapatuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga residente ng unang distrito ng Leyte sa kabila ng 90-day suspension kay dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez.
Ayon kay Acidre, patuloy na tumatanggap ng mga kahilingan para sa tulong ang district office ni Romualdez, partikular sa gastusin sa ospital, edukasyon at iba pang pangunahing pangangailangan.
Patuloy rin aniyang nakikipag-ugnayan ang mga tauhan ng tanggapan sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga residente.
Binigyang-diin ni Acidre na hindi dapat maantala ang serbisyo publiko dahil araw-araw ang pangangailangan ng mga mamamayan.
Matagal na rin aniyang nakasanayan ng mga residente na lumapit sa tanggapan ni Romualdez kaya mahalagang matiyak na mayroon pa rin silang malalapitan para humingi ng tulong. “Hindi dapat tumigil ang pagtulong sa ating mga kababayan. Ang pangangailangan ng mga tao ay araw-araw, kaya dapat araw-araw din ang ating malasakit at serbisyo,” ani Acidre