Nagpakalat ng mahigit 700 tauhan ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) para sa 49th ASEAN Summit.
Ayon kay PNP-HPG Director, PBGen. Joyce Patrick Sangalang, sasabayan ng mga HPG personnel ang mga ASEAN Head of States gamit ang kanilang big bikes.
Habang ang mas maliit na 150-cc motorcycle naman ang siyang magsisilbing hagad o escorts sa mga delagado ng pagtitipon.
Kabilang naman sa bibigyan ng escorts ay ang mga head of states, mga pamilya ng ministers gayundin ng mga foreign media representative.
Samantala, pinaalalahanan naman ni Sangalang ang lahat ng tauhan nito na panatilihin ang disiplina, propesyonalismo gayundin ng pananagutan sa buong panahon ng kanilang deployment.