Binigyang-importansya sa 49th ASEAN Summit ang usapin patungkol sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain o ang food security sa buong ASEAN Region.
Sa isang press conference ni Department of Trade and Industry Secretary Ma. Christina Roque, napag-usapan aniya ng ASEAN Economic Community Council na importante ang food security sa bawat bansa.
Giit ni Roque dapat handa ang buong rehiyon na magkaron ng sapat na suplay ng pagkain lalo na kapag panahon ng global crisis kaya kaya magtutulungan ang ASEAN members para dito.
Ayon naman kay Roque ang magiging pagtutulungan ay nakapokus sa pagbabahagi ng mga kaalaman pagdating sa agrikultura kabilang ang farming technology at kasama rin ang pagpapaigting ng trade. Pero ayon naman kay Roque, posible din nilang maging suhestyon ang pagkakaroon naman ng stockpile ng pagkain para sa rehiyon.