Dapat na makita sa kilos o akto ang mapayapang paglutas sa anumang alitan o hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng respeto sa isa’t isa.
Bahagi ito ng opening statement ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 29th ASEAN-CHINA Summit kung saan kasama si Chinese Premier si Li Qiang.
Sinabi ng Pangulo, na kaalinsabay ng ika-50 anibersaryo ng Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia ay magandang pagkakataon sana ang nasabing milestone na mabuo ang mga nakamit na tagumpay para maisulong ang kapayapaan, katatagan, at kasaganaan sa rehiyon.
Sinabi ng Pangulo, na ang paglagda ng China sa Treaty of Amity and Cooperation noong 2003 bilang kauna-unahang dialogue partner ay nagpatibay sa pangako nitong tumalima sa mga polisiyang nakapaloob sa kasunduan.