Isa sa malaking tagumpay ng Pilipinas bilang host ng ASEAN Summit ay ang inisyatibo na magkaroon ng stockpile ng langis ang rehiyon para sa mga posibleng global oil crisis.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary at SEAN Economic Community Council Chairperson Ma. Christina Roque layon nitong magkaroon ng sapat na oil reserves ang rehiyon.
May lima nang miyembro ng ASEAN ang pumayag para sa planong oil reserves sa rehiyon at kabilang dito ang Singapore, Indonesia, Malaysia, at Pilipinas.
Di pa naman masagot ni Secretary Roque kung kailan ito maipatutupad pero inaasahang magsusumite ng pag-aaral ang mga bansa para sa area kung saan maaring isagawa ang stockpiling.
Nagpahayag din naman ng interes aniya ang United Arab Emirates para sa planong stockpiling pero sa ngayon maaari muna itong simulan ng limang ASEAN countries na suportado ang planong oil reserves.