Photo courtesy of Indo-Pacific Defense Forum
Inaasahang muling mapagtitibay ng Pilipinas at ng Australia ang Strategic Partnership nito sa harap ng nakatakdang bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Australian Prime Minister Anthony Albanese.
Ngayong araw ang nakatakdang pulong nina Pangulong Marcos at Prime Minister Albanese kung saan ay ilang mga usapin ang pag-uusapan ng dalawang lider.
Kabilang sa agenda ang pagpapalalim sa defense and maritime cooperation trade at iba pang aspeto na may kinalaman sa relasyon ng Pilipinas at Australia.
Sinasabing mahalaga ang isasagawang bilateral meeting at mapag-usapan ang matatag na ugnayan ng dalawang bansa sa harap ng pagnanais ng Pilipinas na matiyak ang kapakanan ng mga Pilipinong nakabase na sa Australia.
Mahigit 400,000 mga taga-Australia ang iniulat na mayroong dugong Pinoy kaya’t isa ito sa mga nasyong may pinakamalaking komunidad ng mga Pilipino sa ibang bansa.