Tiniyak ng National Council on Disability Affairs na pasisimplehin ang pagpaparehistro ng mga PWD sa Unified Persons with Disabilities Identification System (UPWDIS).
Kasunod ito ng panawagan ni Senator Christopher “Bong” Go na iwasan ang paulit-ulit na medical examination at pagsusumite ng dokumento.
Ayon sa NCDA, hindi na kailangang magpare-evaluate ang mga PWD na may permanenteng kapansanan na nakatala sa national database.
Kinikilala rin ang mga valid na PWD ID na inisyu ng LGU sa loob ng tatlong taong transition period.
Magkakaroon din ng on-site at mobile registration upang mailapit ang serbisyo sa mga PWD, lalo na sa malalayong komunidad.