Isinulong ni Finance Secretary Frederick D. Go ang mas pinaigting na kooperasyon sa rehiyon upang makabuo ng mas matatag, makabago, at inklusibong industriya ng pagbabangko.
Ito ang mensahe ni Sec. Go sa pagtitipon ng 54th ASEAN Banking Council Meeting.

Sa Gala Dinner na inihanda ng Bankers Association of the Philippines (BAP), binigyang-diin ni Go na mahalagang magtulungan ang mga institusyong pinansyal sa ASEAN habang mabilis na binabago ng artificial intelligence (AI) at digital finance ang galaw ng sektor.
Tinukoy ng kalihim ang pangangailangan para sa magkatuwang na hakbang sa governance at cybersecurity.
Hinikayat din niya ang mas matibay na ugnayan sa pagitan ng mga bangko, upang matiyak na ang inobasyon sa pananalapi at integrasyon sa rehiyon ay magbubunga ng konkretong benepisyo para sa mga negosyo at karaniwang mamamayan sa ASEAN.