Handa ang Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (Manila DRRM) sa pagtugon sa anumang emergency na maaaring mangyari kaugnay ng mga aktibidad ng ASEAN Summit 2026.
Nagsagawa ng Operational Period Briefing ang Manila DRRM kasama ang mga miyembro ng Incident Management Team upang plantsahin ang mga kinakailangang paghahanda, koordinasyon at kani-kanilang responsibilidad.
Layunin nitong matiyak ang mabilis at organisadong pagtugon sa anumang insidente habang nagpapatuloy ang ASEAN Summit.
Bukod dito, naka-standby rin ang mga tauhan ng Manila DRRM upang magbigay ng agarang tulong sa mga indibidwal na lumalahok sa mga kilos-protesta sa iba’t ibang bahagi ng Maynila.
Tiniyak ng departamento na handa ang kanilang mga personnel na rumesponde sa anumang emergency upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko.