Halos dumoble ang arawang bilang ng mga pasahero sa Batangas Port dahil sa mahabang bakasyon kaugnay ng ASEAN Summit.
Mula sa karaniwang 7,000 pasahero kada araw, umabot sa humigit-kumulang 15,000 ang naitala ng Philippine Ports Authority (PPA).
Karamihan sa mga biyahero ay patungo sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro.
Mula November 13, nakapagtala rin ang Port of Calapan ng 22,673 pasahero, habang 6,377 naman sa Port of Puerto Galera.
Umabot sa 21,542 ang mga pasahero sa mga pantalan sa ilalim ng Port Management Office Marinduque/Quezon, mas mataas ng 5,643 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Patuloy ang paghahanda ng mga pantalan upang matugunan ang pagdagsa ng mga biyahero.

