Target ng Pilipinas na mapalawak ang pag-export ng mga produktong pang-agrikultura sa Canada at Brazil upang mapalakas ang lokal na sektor ng agrikultura.
Tinalakay ito ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa pakikipagpulong kina Canadian Prime Minister Mark Carney at Brazilian President Luiz Inácio Lula da Silva.
Sa Canada, pinag-usapan ang mas malawak na access sa merkado at pagkuha ng makabagong teknolohiyang pang-agrikultura.
Sa Brazil naman, tinalakay ang pagpapatuloy ng suplay ng karne at pagpapalawak ng kalakalan.
Kabilang sa mga produktong nais ibenta ng Pilipinas sa Brazil ang tabako, sardinas, tuna, bangus, at ube.
Inaasahang makatutulong ito sa pagpapalawak ng merkado para sa mga lokal na magsasaka at mangingisda, at pagpapatatag ng suplay ng pagkain sa bansa.

