Nanawagan si 4Ps Party-list Rep. JC M. Abalos, na siya ring Chairperson ng Young Parliamentarians of AIPA (YPA), sa mga mambabatas sa buong ASEAN na ilagay ang mga bata at kabataan sa sentro ng mga polisiya sa klima at energy transition. Ito ang kanyang mensahe sa ginanap na 2nd YPA Roundtable Discussion sa sidelines ng 47th AIPA General Assembly.
Pinagsama-sama ng nasabing roundtable, na may temang “Youth for Climate Action: Mainstreaming the Rights and Interests of Children and Young People in Climate and Energy Transition Policies,” ang mga delegasyong parlyamentaryo mula sa AIPA Member at Observer Parliaments, kasama rin ang ilan sa mga eksperto, upang talakayin ang epekto ng climate change at energy transition sa mga bata at susunod na henerasyon, gayundin ang pangangailangang isama ang kanilang karapatan at interes sa paggawa ng batas.
Ayon kay Abalos, bilang mga batang mambabatas, tungkulin nilang tiyakin na ang bawat polisiya sa klima at enerhiya na ipinapasa ay nagpoprotekta sa kanilang mga karapatan at nakikinig sa kanilang mga tinig.