Malabong umabot sa Mindanao ang haze mula sa forest fires ng Indonesia.
Ayon kay Environmental Management Bureau-Davao Regional Director Alnulfo Alvarez, dalawang fire hotspots na lang ang binabantayan sa Indonesia, partikular sa South Papua at Kalimantan kung saan limitado ang smoke plumes.
Malabo rin aniyang umabot sa Mindanao o iba pang bahagi ng Pilipinas ang usok mula rito dahil umiiral ang easterlies.
Sa kabila nito, nagbabala ang opisyal na posibleng lumala ang sitwasyon dahil sa El Niño, lalo na kung magpapatuloy ang sunog sa mga lugar na inihahanda para sa oil palm plantation.
Aniya, ikinababahala ng Indonesian authorities ang mga apoy sa underground ng peatlands o marsh-like areas. Ika-calibrate naman ng EMB-Davao ang air quality sensor, kasama ang kasalukuyang pagbabantay sa mga istasyon.