Kasalukuyang sinusuri ng Department of Health (DOH) ang mga pangangailangan sa tauhan at pondo para sa operasyon ng dalawang pangunahing ospital ng pamahalaan—ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) at ang Philippine Cancer Center (PCC).
“Kaya nga nagpapagawa tayo ng assessment at ano ng ating manpower needs. Kasi mayroon naman tayong napo-produce every year, ‘yung matter lang of how to get them, number one. And then how to provide them the benefits that is worthwhile for them to consider a career here in NKTI and PCC. But tinitignan na po natin ‘yan. Nakipagusap din kami sa DBM para po talaga ma-determine natin ‘yung budget for MOOE at saka PS ‘yung personal services. So sabay po nating ginagawa ‘yun,” saad ni Mercado
Ayon kay Health Secretary Edwin Mercado, ang pagdaragdag ng mga tauhan o staffing para sa mga nasabing ospital ay ipapatupad sa pamamagitan ng phased implementation upang matiyak ang maayos na transition at sapat na kakayahan ng mga staff.
“In phases naman natin gagawin eh. So ‘yung initial niyan maaaring hindi ganun kalaki dahil mayroon pa naman tayong mga manggagaling doon sa existing hospital na-shift lang natin dito. But hindi ako pa masyadong ano, the exact na meron kapag fully operational na siya. Kaya in phases natin gagawin,” dagdag ni Mercado.
Samantala, ang mga gastusin para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ay nakatakdang pag-aralan sa 2027 bilang paghahanda sa paglalaan ng kaukulang pondo para sa 2028.
Layunin ng hakbang na ito na matiyak ang sapat na serbisyong medikal at maayos na pasilidad para sa mga pasyenteng nangangailangan ng espesyalistang pangangalaga sa bato at pagpapagamot sa kanser.
Ginawa ni Secretary Mercado ang mga pahayag na ito kasunod ng isinagawang inspeksyon ng DOH at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) at ang Philippine Cancer Center (PCC).