Inihalintulad ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela sa fictional character na kontrabidang si Voldemort mula sa sikat na pelikulang Harry Potter ang mga bansang lumalabag sa international law.
Sa isang roundtable discussion sa Manila Dialogue on the South China Sea nitong Martes, binigyang-diin ni Tarriela na ang hakbang ng Pilipinas pagdating sa transparency initiative o paglalantad ng mga insidente ay nagbigay ng lakas ng loob sa international community na komprontahin at tuligsain ang aggressors sa West Philippine Sea (WPS) at sa mas malawak na South China Sea.
Dahil dito, binansagan ang aggressors na ito na “He Who Must Not Be Named” na kinatatakutan at dapat lantaran nang tinututulan.
Subalit, ang pahayag na ito ng opisyal ng PCG ay umani agad ng mainit na tugon mula sa isang Chinese academic, na gumanti sa pagsasabing: “One’s Voldemort might be another’s Dumbledore.”
Ang mainit na palitan ng pahayag ay nagpapakita ng patuloy na diplomatiko at retorikal na banggaan sa pagitan ng mga bansang sangkot sa agawan sa teritoryo sa rehiyon.