Makikipagtulungan ang isang American company sa Department of Science and Technology (DOST) at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) para makabuo ng specialized versions ng forecasting system sa mga industriya na nangangailangan ng mas detalyadong weather information.
Ang kompanyang Atmo Incorporated na gumagamit ng artificial intelligence ay pinag-aaralang gamitin ang mga datos sa mga paliparan, energy company, sakahan, at pangisdaan ng Pilipinas.
Nakikita ng Atmo ang forecasting system ng Pilipinas bilang modelo para sa pagpapalawak ng kanilang operasyon sa Southeast Asia.
Ang paggamit ng sistema ng Pilipinas ay nakikitang unang hakbang sa pagpapalawak nito sa rehiyon na maaaring gamitin ng Southeast Asia kapag naipakita na kung paano ito gumagana sa bansa.