Inilatag ng Estados Unios ang mga dahilan kung bakit maituturing na best partner ang kanilang bansa, mapa-usapin man ng seguridad, enerhiya, teknolohiya, at iba pa.
Sa ASEAN-US Special Summit, sinabi ni President Donald Trump na nasa kanila ang world’s most powerful artificial superintelligence (ASI). Sila aniya ang nangunguna sa linyang ito, at pananatilihin nila ang posisyong ito.
Ayon sa US President, sabik ang kanilang bansa na suportahan ang mga bansa sa ASEAN na nais ring magkaroon ng isang kinabukasan para sa teknolohiya at sa ganap na pagbukas ng mga oportunidad at economic growth sa pamamagitan nito.
Aniya, ang ASI ay nakikita na mas magiging malaki pa kumpara sa Industrial Revolution, at sa kasalukuyan, nakikita na aniya nila na mas malaki ang oportunidad na dala nito kumpara sa internet.
Ang dala aniya nitong economic growth ay lilikha ng mga trabaho, magsusulong sa advancement ng siyensya at medisina, poprotekta sa mga mamamayan, seguridad, at values.
Sinabi ng US leader na bagamat kailangang mag-ingat sa paggamit nito, tulad ng iba pang bagay, gayunpaman, hindi aniya maikakaila ang benepisyo at oportunidad na taglay nito.