Pormal nang nagtapos ang chairship ng Pilipinas sa ASEAN 2026.
Sa talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Closing Ceremony ng 49th ASEAN Summit, sinabi nitong hindi sa iisang bansa nakasalalay ang pag-abot ng mahahalagang layunin ng ASEAN at sa halip, dapat aniyang ipagpatuloy ng bawat bansang mamumuno ang mga nasimulan ng naunang chairship.
Dagdag ng Pangulo na sanay hindi lang maalala ang pagiging host ng Pilipinas sa ASEAN dahil sa mga nabuong kasunduan kundi dahil sa mas matatag na pundasyong maiiwan nito at higit pang mapalakas ang kakayahan ng rehiyon na harapin ang mga darating pang hamon.
Kasabay nito ay pormal nang ipinasa ng Pilipinas sa Singapore ang ASEAN Chairship para sa susunod na taon.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang Pangulo, sa ASEAN Secretary-General, ASEAN Secretariat gayundin ang mga katuwang na bansa at kapwa lider sa kanilang tiwala at suporta sa pagho-host ng Pilipinas ngayong taong ASEAN Summit.