Buong suporta at tiwala ang Pilipinas sa Singapore kaugnay ng gagawin nitong pagho- host sa ASEAN 2027.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., tiwala siya kay Singapore Prime Minister Lawrence Wong at sa mamamayan nito para pangunahan naman ang hosting at pamumuno sa susunod na taong ASEAN Summit.
Sinabi ng Pangulo na bilang isa sa mga founding member ng ASEAN, malaki ang naging papel ng Singapore sa paghubog at pagpapatatag ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sumasalamin aniya ang kasaysayan ng Singapore sa pagiging bukas nito gayundin sa kanilang koneksiyon, disiplina, at kooperasyon.
Binigyang-diin pa ni Pangulong Marcos na napapanahon ang pamumuno ng Singapore sa ASEAN habang papasok ang samahan ng mga bansang kasapi dito sa ika-60 anibersaryo.