Alas-11 ngayong umaga inaasahan ang pagdating ni United States President Donald Trump sa Malacañang na kasalukuyang nasa bansa para sa kanyang 2-day State Visit.
Sasalubong sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos sa pagdating nina Trump sa Kalayaan Grounds kung saan ay bibigyan ito ng Arrival Honors.
Pagkatapos ng Arrival Honors ay didiretso sina Pangulong Marcos at President Trump sa Reception Hall para sa guest book signing at mula dito ay gagawin na ng dalawang lider ang kanilang Bilateral Meeting.
Magkakaroon muna ng photo opportunity ang Pangulo at ang American leader bago ang State Luncheon bilang pagbibigay parangal sa bumibisitang pinuno ng Amerika.
Dumating kahapon sa bansa si Trump pasado alas-5:30 ng hapon at dumiretso sa hotel na tutuluyan nito habang nasa bansa at mula doon ay nagpunta na sa Philippine International Convention Center (PICC) para sa ASEAN-US Special Summit.