Sinimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board-EDSA Busway Monitoring Group ang inspeksyon sa mga istasyon ng bus.
Layon nito na matiyak ang kaayusan, kaligtasan at tuloy-tuloy na operasyon ng pampublikong transportasyon.
Pinangunahan ni LTFRB Franchise Planning and Monitoring Division Chief Atty. Sherwin Vizconde ang operasyon.
Tiniyak nito ang pagsunod ng mga driver at operator sa mga regulasyon at responsableng pagmamaneho.
Ayon kay Vizconde, bahagi ito ng paghahanda sa inaasahang pagdami ng mga pasaherong uuwi sa probinsya at babalik sa Metro Manila.
Una nang naitala ang pagdami ng mga umuwi sa probinsya dahil sa long weekend kasunod ng 49th ASEAN Summit and Related Summits sa bansa.