Pagkatapos ng ASEAN Summit, magiging abala naman si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa APEC Economic Leaders’ Meeting sa Shenzhen, China.
Gaganapin ang mga pulong sa Shenzhen, ang isa sa pinaka-advanced at malaking economic hub na tinatawag ding Silicon Valley ng China.
Makakasama ng pangulo sa high level dialogues ang mga lider ng APEC members habang magsasagawa ng bilateral meetings kasama ang Chile, Peru at Papua New Guinea.
Hindi naman malinaw kung may pagkakataong magkausap sina Pangulong Marcos at Chinese President Xi Jinping at iba pang powerful leaders sa nasabing mga pulong.
Samantala, dadalo si Pangulong Marcos sa isang gala dinner sa Shenzhen mamayang gabi.