Tiwala ang Office of Civil Defense (OCD) na susi sa matatag na komunidad kontra kalamidad ang mga inisyatiba para mapanatili ang food security ng bansa.
Ito ang tinuran ng OCD nang lumahok ito sa ika-24 na Ceremonial Rice Harvesting Celebration sa Rice Garden, Rizal Park sa Maynila.
Bahagi ito ng pagunita sa National Rice Awareness Month na nagtatampok sa kahalagahan ng produksyon ng bigas, responsableng pagkonsumo nito, at pagtatamo ng agricultural sustainabiity para sa pagpapatatag ng food security.
Ayon sa OCD, kapag matatag ang suplay ng pagkain sa bansa, mas mapadadali ang pagbangon ng mga komunidad na labis na apektado ng iba’t ibang kalamidad.