Mahigit limang libong barangay sa bansa ang minomonitor ng pamahalaan dahil sa inaasahang epekto ng very strong El Niño, na maaaring magdulot ng kakulangan sa suplay ng tubig.
Ayon kay National Water Resources Board Executive Director Sevillo David Jr., naghahanda na ang pamahalaan ng karagdagang pagkukunan ng tubig. Kabilang dito ang mga small water impounding system para sa mga komunidad na posibleng maapektuhan.
Kasabay nito, tiniyak ng NWRB na sapat pa ang suplay ng tubig hanggang unang bahagi ng 2027. Pinayuhan din ang publiko na magtipid sa tubig at iwasan ang panic buying at labis na pag-iimbak nito.