TRADITIONAL AND MODERNIZED JEEPNEYS / JUNE 26, 2020 Traditional and modernized jeepneys in Pinatubo St. Barangay Barangka Ilaya, Mandaluyong City on June 26, 2020. INQUIRER PHOTO / NINO JESUS ORBETA
Inisyuhan ng show cause order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang Easyway Transport Service and Multi-Purpose Cooperative dahil sa umano’y sobrang paniningil ng pasahe sa mga pasahero sa Rizal.
Ito ay kasunod ng pagkalat sa social media ng video kung saan makikitang naniningil umano ng P25.00 ang driver para sa tatlong kilometrong biyahe. Mas mataas ito sa itinakdang minimum fare na P17.00 para sa unang apat na kilometro ng modern jeepney.
Ayon kay LTFRB Acting Chairman Atty. Greg Pua Jr., gagamitin ang viral video bilang pangunahing ebidensiya sa imbestigasyon. Sisiyasatin din kung may direktang kautusan ang operator sa driver na maningil nang higit sa aprubadong pasahe. Nakatakda ang pagdinig sa November 25.
Posibleng masuspinde o tuluyang mabawi ang prangkisa ng operator kapag napatunayang lumabag sa mga regulasyon.