Mataas ang posibilidad na hindi na ilagay ang Luzon, Visayas, at Mindanao Grid sa Red at Yellow Alert para sa mga natitirang araw ng 2026.
Sa isang press conference, ayon kay Department of Energy Undersecretary Mario Marasigan, ito ay kung magpapatuloy ang magandang operasyon ng mga planta sa bansa.
Giit pa ni Marasigan hindi pa naaabot ng Pilipinas sa ngayon ang inaasahang peak ng demand, katunayan nasa 14,897 Megawatts ang inaasahang peak sa Luzon pero nasa 14,534 megawatts palang ang pinakamataas na demand sa ngayon at sa Visayas at Mindanao naman ang inaasahan ay 3,000 Megawatts pero nasa 2,800 pa lang ang pinakamataas na demand.
Patuloy namang nakatutok ang DOE sa suplay ng kuryente sa bansa at pinaghahandaan din ang posibleng magiging epekto ng very strong El Niño sa suplay ng kuryente sa susunod na taon.