Ipinagmalaki ng Department of Energy (DOE) ang isang tagumpay para sa Pilipinas bilang chair ng 49th ASEAN Summit ang pagkakapirma ng Memorandum of Understanding para sa power grid sa pagitan 11 bansa.
Ang power grid ay malaking tulong sa buong ASEAN Region dahil sa tulong nito magkakaroon ng pagbabahagi ng suplay ng kuryente sa mga bansa kaya magkakaroon ng pagtutulungan sa buong rehiyon na magkaroon ng energy security.
Ayon naman kay Energy Secretary Sharon Garin malaking tulong ito lalo na kapag nagkukulang ang Pilipinas ng hydropower kapag panahon na sobrang init. At makakatulong din naman ito sa ibang bansa kapag may sobrang kuryente na nakuha ang Pilipinas, maaari rin itong ibahagi sa ASEAN members.
Nagpahayag naman ng suporta ang Asian Development Bank at World Bank upang maging matagumpay ang planong power grid sa rehiyon.