Mahigit isang toneladang karne na nagkakahalaga ng P203,928 ang kinumpiska ng National Meat Inspection Service sa Gapan at Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Umabot sa 1,019.6 kilos ang mga nasamsam na karne na walang dokumento, hindi maayos ang paghawak at hindi ligtas kainin.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., isinagawa ang operasyon katuwang ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group, Department of Agriculture at mga lokal na pamahalaan.
Dinala ang mga nakumpiska sa isang rendering facility sa Porac, Pampanga upang hindi na magamit bilang pagkain.
Sinabi ni Laurel na magpapatuloy ang inspeksyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga karneng ibinebenta sa mga pamilihan.
