Photo courtesy of PTV
Inihalintulad ni Ukrainian Ambassador to the Philippines Yuliia Fediv ang patuloy na paglaban ng Ukraine laban sa pananakop ng Russia sa pagsisikap ng Pilipinas na ipagtanggol ang teritoryo nito sa gitna ng tumitinding tensyon sa West Philippine Sea.
Sa panayam kay Fediv sa sidelines ng Manila Dialogue on the South China Sea, nanawagan ang embahador sa mga maliliit at middle-sized na bansa na magkaisa upang itaguyod ang international law at rules-based order.
“We think that all countries around the world need to stick to the rule of law and not to the rule of force,” pahayag ni Fediv.
Giit ni Fediv, na ang dapat manaig ay ang “rule of law” at hindi ang “rule of force”.
Ayon sa kanya, mahalaga ang pagkakaisa ng mga bansang nahaharap sa banta mula sa mas malalaking kapangyarihan upang mapanatili ang kapayapaan, seguridad, at soberanya sa kani-kanilang rehiyon.