Sumampa na sa 3,011 vendors, jeepney drivers, at tricycle drivers ang tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sila iyong mga labis na naapektuhan ng mga road clearing operations, mga restriksyon at pagsasara ng ilang kalsada bunsod ng 4 na araw na ASEAN Summit and related Summits na isinagawa sa bansa.
Ayon kay DSWD Spokesperson, Assistant Secretary Irene Dumlao, buhat nang magsimula hanggang sa matapos ang ASEAN, walang patid ang paghahatid ng tulong sa mga apektadong sektor.
Lahat ng napagsilbihan ng pamahalaan, nakatanggap ng tig-10,000 cash assistance sa ilaim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.
Ang tulong-pinansyal na ito ay bahagi ng pangakong suporta ng DSWD sa mga vendor, jeepnay at tricycle drivers sa Pasay City at Parañaque City na pansamantalang naapektuhan ang kanilang kita dahil sa ASEAN Summit salig sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.


