Itinanggi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kumakalat na video sa social media na nagsasabing may mga bangkong magsasara sa bansa.
Ayon sa BSP, fake news ang naturang video na nagmula sa Facebook account na PH News Today.
Tinanggal na ng Meta ang video ngunit posibleng patuloy itong kumalat sa pamamagitan ng mga kopya at repost.
Nagbabala rin ang BSP na handa itong magsagawa ng kaukulang aksyon laban sa mga indibidwal o organisasyong nasa likod ng paggawa at pagpapakalat ng maling impormasyon.
Hinikayat naman ang publiko na i-report ang mga kahalintulad na mapanlinlang na post sa bspmail@bsp.gov.ph.