Pormal nang tinanggap bilang ika-11 member parliament ng ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) ang National Parliament ng Timor-Leste.
Isinagawa ang pormal na pag-admit sa bansa sa 47th AIPA General Assembly na ginaganap sa Maynila, sa pangunguna ni House Speaker at AIPA President Faustino III.
Nilagdaan na rin ang Instrument of Accession na kumukumpleto sa pagiging ganap na miyembro ng Timor-Leste sa organisasyon.
Malugod namang tinanggap ni Speaker Dy ang delegasyon ng Timor-Leste at inilarawan ang hakbang bilang makasaysayang pagpapalawak ng samahan.
Sa acceptance speech, sinabi ni Timor-Leste National Parliament President Maria Fernanda Lay na inabot ng 13 taon mula nang una silang dumalo sa AIPA bilang observer bago tuluyang maging ganap na miyembro.
Binigyang-diin niya na mahalagang maramdaman ng kanilang mamamayan ang konkretong pakinabang ng pagiging kasapi ng AIPA sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Bilang simbolo ng kanilang bagong katayuan, inilipat ang watawat ng Timor-Leste mula sa hanay ng mga observer parliament patungo sa hanay ng mga ganap na miyembro ng AIPA.