Nagpaabot ng pasasalamat at pagbati si US President Donald Trump kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay ng ginawang hosting ng Pilipinas sa nagdaang ASEAN Summit 2026.
Sa paghaharap ng dalawang lider sa Malacañang, inilarawan ni Trump na isang outstanding ASEAN Summit ang naganap na kung saan ay naging punong abala ang Pilipinas at siyang humawak sa chairship.
Nakakatuwa ani Trump na nagkasama-sama ang mga pinuno ng South East Asia hanggang sa special dinner matapos ang sunod-sunod na mga pagpupulong kabilang na ang mga dialogue partners.
Dito rin nabanggit ni President Trump ang aniya’y kanyang labis na respeto kay Pangulong Marcos sabay pasasalamat sa ginawang pagtanggap ng pamahalaang Pilipinas sa kanya at sa kanyang delegasyon kaugnay ng kanyang pagbisita dito.