Bubuo ang Department of Health (DOH) ng komprehensibong PhilHealth benefit package para sa mga kababaihan at bata na nakaranas ng karahasan.
Ayon kay Health Secretary Edwin Mercado, target na ipatupad ang nasabing plano sa ikaapat na quarter ng 2027 o unang quarter ng 2028.
Sasaklawin ng panukalang Z Benefit package ang psychosocial support, psychological care at follow-up services, na hindi lang matatapos kahit na-discharge ang pasyente sa ospital.
Ang panukala ay bahagi ng health benefit roadmap ng DOH kung saan prayoridad ang mga kondisyon batay sa available evidence, treatment costs, prevalence at mortality.
Nilinaw naman ni Mercado na hiwalay ang benepisyo mula sa developmental disability benefit package na target sa ikaapat na quarter ng 2026.