Kinumpirma ni Senador JV Ejercito na binalik ng senado sa kanilang bersyon ng 2025 General Appropriations Bill ang sampung bilyong pisong nabawas sa alokasyong pondo para sa AFP modernization program.
Matatandaang sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program (NEP), itinakda ang alokasyong pondo para sa AFP modernization program sa P50-B pero ginawa itong P40-B ng kamara sa kanilang bersyon ng 2025 budget bill.
Ayon kay Ejercito, ikinatuwa niyang naibalik sa P50-B ang pondo para sa modernisasyon ng sandatahang lakas lalo na aniya’t kailangan itong suportahan sa gitna ng sensitibong sitwasyon sa West Philippine Sea. | ulat ni Nimfa Asuncion