Pursigido ang Pilipinas na makamit ang isang mabisa at maaasahang sistema ng transportasyon sa bansa sa pamamagitan ng pakikipagsosyo sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ito ang inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa kanyang pagdalo sa 30th ASEAN Transport Ministers Meeting and Associated Meetings.
Dito, natalakay ang taunang prayoridad at key deliverables para sa 2025, Protocol 5 sa Own Stopover Rights sa mga bansa sa ASEAN at ang mga panuntunan sa Light Electric Vehicles.
Tinalakay din ang mga panuntunan hinggil sa Urban Freight Transport, Port Sector Public-Private Partnership, at Port Digitalization and Automation.
Nakipag-usap din ang ASEAN Ministers sa mga kinatawan ng China, Japan, at Republic of Korea para sa mga collaborative project sa hinaharap. | ulat ni Jaymark Dagala